https://iclfi.org/pubs/tap/2025-luneta
Tumututol kami at isinisigaw: Sobra Na! Tama Na! Wakasan Na! Panahon na para linisin ang mga maka-sariling pangkating burges at mga pulitikong maka-U.S. mula sa bansa. Kailangang magkaroon tayo ng sosyalistang alternatibo sa mga oligarkong Marcos/Duterte!
Malugod naming tinatanggap ang panawagan ng mga Pambansang Demokrata ng BAYAN at ng Partido Lakas ng Masa na mag-resign sina Marcos/Duterte para halinhan ng People’s Transitional Council. Ang tanong: Paano ito gagawin? Hindi kami makapaghintay sa mga pinuno ng NatDem/PLM na hindi naglalatag ng plano kung paano tayo susulong. Bilang panimula, iminumungkahi namin:
-
Magkaisang Hanay/United Front! Gawin nating isang show of force ang Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio! Dapat magsanib-pwersa ang kaliwa at kilusang manggagawa sa Luneta para igiit ang paghalili kina Marcos/Duterte ng isang People’s Transitional Council. Tapusin ang sektarianismo kung saan magkakahiwalay ang rally ng bawat grupo.
-
Hadlangan ang pagpasok ng mga liberal sa People’s Transitional Council! Hindi kaila sa taumbayan na pinagtatakpan ng mga liberal si Marcos. Huwag nating hayaan ang mga lider ng NatDem at PLM tulad nina Rep. Antonio Tinio at Atty. Luke Espiritu na ibenta ang masa para makuha nila ang loob ng mga liberal. Ang pagyukod sa mga liberal ang naging dahilan ng pagkabigo ng rebolusyonaryong pagbugso na sinindihan ng Aklas-Sambayanang EDSA noong Pebrero 1986.
-
Resbak tayo sa mga reaksyonaryo! Sa pagpapakita ng lakas at tapang mahahatak ang suporta ng masa. Kung makamit natin ang mas malawak na suporta ng masa, magiging mahirap para sa mga puwersa ng reaksyon na kumilos laban sa atin.
Kumilos tayo! Magpadalo at magsidalo sa rally sa Luneta sa Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Sama-sama tayong makibaka gawing tunay ang People's Transitional Council!
Spartakistang Grupo Pilipinas – Komite ng mga Korespondente sa Ultramar
New York City * Nobyembre 20, 2025

