Ang Liga Komunista Internasyonal (Pang-Apat na Internasyonalista) ay isang proletaryo, rebolusyonaryo at internasyonalistang Trotskyistang tendensi na nakatuon sa tungkulin ng pagtatag ng mga partidong Leninista bilang mga pambansang seksyon ng isang demokratiko-sentralistang internasyonal. Ang aming layunin ay ang pagkamit ng mga bagong Rebolusyong Oktubre—walang iba, walang iiba pa, walang kulang. Ang LKI ay nakasandig sa materyalismong diyalektiko istoriko Marxista at partikular na naghahangad na isulong ang mga Marxistang perspektiba ng pandaigdigang uring manggagawa na binuo sa teorya at praktika ng mga pinunong Bolshevik na sina V. I. Lenin at L. D. Trotsky at nakapaloob sa mga desisyon ng unang apat na Kongreso ng Komunistang Internasyonal gayundin ang mga susing dokumento ng Ika-Apat na Internasyonal tulad ng Programang Transisyonal (1938) at “War and the Fourth International” [Digmaan at ang Ika-Apat na Internasyonal] (1934). Kinikilala rin namin si James P. Cannon, isang pinuno ng maagang yugto ng Partido Komunistang Amerikano na nakabig sa Trotskyismo at naging pangunahing tagapagtatag ng Socialist Workers Party (SWP), sa masinsing pakikipagtulungan kay Leon Trotsky. Ang pinagmulan ng LKI ay nasa Spartacist League/U.S., na nag-umpisa bilang Revolutionary Tendency na burukratikong pinatalsik mula sa SWP noong 1963.

See more @ ICL