QR Code
https://iclfi.org/pubs/tap/2024-mayo-uno-6

Ang Spartakistang Grupo Pilipinas at ang Partisan Defense Committee sa United States ay nakikiisa sa Anakbayan sa pagkondena sa mga pag-atake ng pulisya sa martsa ng Mayo Uno sa Maynila. Sa dumaang karahasan ng pulisya, anim na aktibista ang inaresto dahil sa pagprotesta sa labas ng U.S. Embassy laban sa Balikatan military exercises at sa mga pwersang militar ng U.S. na nakatalaga sa Pilipinas. Ang mga aktibistang ito ay nakulong at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Batas Pambansa No. 880 (ang Public Assembly Act). Iginigiit namin: Mayo Uno 6, palayain! Drop the charges, ngayundin!

Ang pag-uusig sa Mayo Uno 6 ay naglalayong patahimikin ang oposisyon sa dominasyon ng imperyalistang U.S. at marahas na pagsasamantala ng mga imperyalista sa bayang manggagawang Pilipino. Lahat ng mga tumututol sa imperyalismo, ang kaliwa at kilusang manggagawa ay may interes na ipagtanggol ang Mayo Uno 6. Isinasapubliko namin itong pangahas na maka-imperyalistang pag-atake sa buong mundo at nag-ambag kami sa Anakbayan legal defense fund. Hinihikayat namin ang iba pang mga organisasyon na gawin rin ito. Ang laban ng isa ay laban ng lahat! An injury to one is an injury to all!

Ang mga donasyon sa Anakbayan legal fund ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng GCash (09955184958, Kate Almenzo) o LandBank (0597210388, John Venedict Vabrera).

— Komite ng mga Korespondente sa Ultramar,
Spartakistang Grupo Pilipinas
Partisan Defense Committee, USA
Mayo 3, 2024